flash

Showing posts with label PUP. Show all posts
Showing posts with label PUP. Show all posts

Thursday, September 29, 2011

TCH 113

al·ler·gic [uh-lur-jik] 

1. or of pertaining to allergy
2. having an allergy


Sumakay kami ng LRT line 1 papuntang Monumento. May tatapusin kaming mga
bagay bagay sa subject naming Signals. Naakakabaliw sa LRT line 1. Ang shaky ng train,
nagkakasikuhan na mga tao, ang baho ng amoy at ang lamig (infairness).

Pagbaba namin ng train, sumakay kami ng Jeep papuntang Bernabe.
Im seated next to the driver. Nakakabaliw ang amoy. Hoooha!

"Manong bayad nga po tatlong estudyante sa Bernabe".
Sabay abot ko ng 27 pesos! 

"Tsk. Ano ba yan"! 
Saby kamot sa ulo si manong.

Nauna na kaming magbayad kasi ang dami namin sa jeep. Sunod na nagbayad mga
kasama namin.

"Manong bayad nga po".
Sabay abot ng bayad. (deducted na yung discount ng student)

Napapalatak na naman si Manong. Sabay sabi ng "Nak ng Puta. Kung minamalas
ka nga naman. Puro estudyante".


Hindi na lang ako nagreact kay Manong kasi wala talaga ako sa mood makipagaway
at mabait akong bata.

Paalala:
Sa mga tsuper na ALLERGIC sa mga ESTUDYANTE, ikabit niyo itong signage na to sa
harapan ng inyong dyip.


"TCH 113"

Sunday, September 04, 2011

Hindi ka PUPian!

Ako'y isang miyembro ng isang grupo sa Facebook.
Ang Facebook Group na iyon ay binubuo ng mga kasalukuyang nag-aaral, mga
graduates ng sintang paaralan, ang Polytechnic University of the Philippines.

May isang post sa FB group na yun na talagang ikinaiinis ko.
Ito yun..


 

Sorry Rebreb! Hindi ka PUPian!
Ang mga PUPian ay may pagpapahalaga sa kanilang sintang paaralan.

PUP is special.
You are not special so don't act like you're someone.
Hindi ka pa sikat. Hindi ko alam kung successful ka na today.
Pero tandaan mo ito. 
"Ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, 
HINDI makakarating sa paroroonan."



----Proud PUPian
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...