flash

Thursday, September 29, 2011

TCH 113

al·ler·gic [uh-lur-jik] 

1. or of pertaining to allergy
2. having an allergy


Sumakay kami ng LRT line 1 papuntang Monumento. May tatapusin kaming mga
bagay bagay sa subject naming Signals. Naakakabaliw sa LRT line 1. Ang shaky ng train,
nagkakasikuhan na mga tao, ang baho ng amoy at ang lamig (infairness).

Pagbaba namin ng train, sumakay kami ng Jeep papuntang Bernabe.
Im seated next to the driver. Nakakabaliw ang amoy. Hoooha!

"Manong bayad nga po tatlong estudyante sa Bernabe".
Sabay abot ko ng 27 pesos! 

"Tsk. Ano ba yan"! 
Saby kamot sa ulo si manong.

Nauna na kaming magbayad kasi ang dami namin sa jeep. Sunod na nagbayad mga
kasama namin.

"Manong bayad nga po".
Sabay abot ng bayad. (deducted na yung discount ng student)

Napapalatak na naman si Manong. Sabay sabi ng "Nak ng Puta. Kung minamalas
ka nga naman. Puro estudyante".


Hindi na lang ako nagreact kay Manong kasi wala talaga ako sa mood makipagaway
at mabait akong bata.

Paalala:
Sa mga tsuper na ALLERGIC sa mga ESTUDYANTE, ikabit niyo itong signage na to sa
harapan ng inyong dyip.


"TCH 113"

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...