flash

Friday, December 23, 2011

ONLYinPH Newsmakers of 2011

These are the most talked about stories of the year 2011 may it be in showbiz, politics or news we
heard in radio or seen in TV. So before releasing our horses for the year 2012, let’s recall the top 
stories of this year.

Showbiz


Lance Raymundo's Fatanas
Marami na ang nakapanood ng video ng Fatanas at ang kanilang laging naitatanong ay kung binayaran
daw ba ng administrasyon ni Pangulong Aquino si Lance para gawin itong kantang ito laban kay
dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo? Timing nga naman ang pagpropromote ni Lance ng
kanyang kanta sa pagaresto kay dating Pangulong Arroyo.

Fatanas is his comeback song matapos nitong iwan ang industriya 11 years ago.
"If I have to come back (in the music scene, after an 11-year absence), I must do so with bang. I’m
putting up images that look hellish to catch attention. It’s a calculated risk. Nagpabili ako ng horns sa
set designer because the title of the video is Fatanas." Good Luck Lance! :)


JanJan Incident

Naaalala niyo pa ba si JanJan? Si JanJan ay contestant sa Willing Willie noong buwan ng Marso. Sa 
portion ng Willing Willie ng pagshoshowcase ng talent ng bawat kalahok, pinili ng batang si JanJan ang sumayaw. The talent portion was supposed to have been done just for fun. Yun nga lang, marami ang
nagtaas ng kanilang mga kilay dahil sa “parang inudyukan” pa ng host na si Willie si JanJan na gawin
ang "Macho Dancing" na naging dahilan para masuspinde ang kanyang palabas na Willing Willie.



Shamcey, Gwendolyn, Dianne and Athena

This year, halos lahat ata ng beauty pageant ay may nanalong Pinay. Nanalo si Shamcey Supsup bilang
3rd Runner-up ng Miss Universe 2011 na ginanap noong Setyembre. SI Gwendolyn Ruais naman ay
hinirang bilang 1st Runner-up sa Miss World 2011 noong Nobyembre. Si Dianne Necio ay nanalo 
naman sa Miss International Pageant 2011 ng People’s Choice Award after receiving more than 354 000 votes in the online poll. And of course, si Athena Mae Imperial ay nanalo ngayon lamang Disyembre
bilang Miss Earth- Water 2011. Talaga nga namang kakaiba ang ganda ng mga Pilipino!



Laglag at Ladlad

Hindi pa man natatapos ang taong 2011, nagpasabog na ng matitinding intriga si DJ Mo Twister
kamakailan na kumalat sa social media. Ito ay may kinalaman sa “pagaabort” diumano ng kanilang
anak ni Rhian Ramos noong 2010 sa Singapore. Nagkaroon ng mga palitan ng mga sagot sa isyung
ito galing sa dalawang personalidad. At kailan lamang ay may lumabas na namang video nila Mo at 
Rhian habang sila ay “nagme make out”. Hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon sa mga isyung
ito galing sa dalawang personalidad. Abangan natin sa 2012 kung may sagot na sila tungkol dito.

Napanood niyo ba ang interview ni KC Concepcion with Boy Abunda? Isiniwalat ni KC dito ang 
kanyang mga saloobin tungkol kay Piolo. Sinabi niya rin kay Boy ang dahilan kung bakit hindi niya na kinayang ipaglaban ang kanyang pagmamahal kay Piolo. Dahil daw ito sa hindi na kayang ibigay ni
Piolo ang kagustuhan ni KC. At para bang naging “panakip butas” lamang si KC. Kilala niyo ba ang diumano’y nalilink kay Papa P? [Hint: MB]


Politics


De Lima’s dilemma

Naging maingay din ang pangalan ng ating DOJ secretary na si SEC. Leila De Lima dahil sa kanyang pagsuway sa ipinaguutos ng Supreme Court. Ang Supreme Court ang pinakamataas na Korte sa ating
bansa at ang nagiisang Korte na isinakatuparan ng ating Konstitusyon. Obligasyon ng Korte Suprema
ang pangalagaan ang mga “rights” ng tao. Sa kaso ng ating dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo,
siya ay pinayagan ng SC na lumabas ng ating bansa na pinigilan naman ni Sec. De Lima dahil sa kakulangan sa mga kinakailangan requirements. Ang pagsuway nito ni De Lima sa pinakamataas na Korte sa bansa
ay nagdulot ng pagkalito sa marami sa atin. Sabi nga ng iba sa mga social media platforms, ang bansa
raw ay mayroon ng tinatawag na “Constitutional Crisis”.
Ang masasabi ko lang.. “What is legal is not always just”. Take that De Lima!



Midas Marquez—Gay?

Kumalat ang viral video ni Court Admin. Atty. Midas Marquez sa iba’t ibang social media platforms
kung saan siya’s nagulat nang matabig niya ang microphone at ito’y nahulog. Sapat nab a itong basehan
ng sekswalidad ng isang tao?

 

Si Little Girl at ang Kanyang Corona

Nitong taon siguro ang worst year ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ngayon ay 
kongresista ng Pampanga. Marami silang mga “schemes” na isiniwalat sa media kasama ng kanyang tagapagsalita na si Elena Horn tulad ng plot na “Put the Little Girl to Sleep” na mala-hollywood ang 
pagka describe. Sa tingin niyo may maniniwala pa kaya sa kampo nila? Ganun pa man, Merry Christmas! 
J

Si Chief Justice Corona ngayon ay impeached na. Siya ay nahaharap sa kanyang pagkakatanggal bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema dahil siya raw ay “bias” at “loyal” masyado sa dating Pangulong Arroyo. Ayaw ni Pangulong Aquino na mapawalang sala si CGMA dahil lang sa loyalty ni Corona. Ikaw, may tiwala ka pa ba kay Corona?



PNoy

Patapos na ang taon at hinahabol pa rin si Pangulong Aquino ng iba’t ibang kontrobersiya. Hindi na 
masyado nag ingay ang lovelife ng Pangulo sa bandang huli ng taon ngunit ang kanyang “party life” ang bumandera sa iba’t ibang pahayagan. Imbes daw na makiramay ang Pangulo sa mga nasalanta ni Sendong
sa Mindanao ay nakuha pa nitong makiparty na agad namang dinipensahan ng kanyang mga kapatid.
Akin lang, Porket ba wala si PNoy dun wala na siyang paki?


P.S.
Sa darating na MMFF Awards Night, gusto kong i-nominate sa Breakthrough Artists of the Year
sina Gail at Ramona Bautista.

Pilipinas Watcher listed down the most talked about stories based on its own consciousness.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...