flash

Friday, September 30, 2011

Pamahalaan ng Calumpit, Bulacan, patuloy na humihingi ng tulong

Patuloy na nananawagan ng tulong ang pamahalaang lokal ng Calumpit, Bulacan na isa sa mga sinalanta ni Bagyong Pedring at binabayo ni Bagyong Quiel.

Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni Calumpit Mayor James de Jesus na nangangailangan pa rin sila ng mga ready-to-eat na pagkain para maipamahagi sa mga residente sa kanilang lugar na lubog pa rin sa tubig-baha.

Nananawagan din ng tulong si De Jesus sa lahat ng mga rescue team na mayroong rubber boats na tumulong sa pamamahagi ng relief goods sa kanilang lugar na hindi na madaanan ng mga panglupang sasakyan.

Sinabi ng alkalde na kabilang sa mga kinakaharap nilang problema ang pagpapakarga ng krudo sa kanilang mga rubber boat dahil hirap silang makapunta sa mga gasolinahan na lubog din sa baha.

Original Story here HERE

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...