flash

Friday, June 24, 2011

Kwentong Baha

I just want to share my #kwentongbaha with you guys. Hindi na ako bago sa ganito kaya nga sinisiw ko na lang yung nangyari sa amin last night, June 23, dahil nga dumaan na sa akin si Ondoy na halos hanggang dibdib ang baha. Tapos ito naman si Falcon sumali pa na halos hanggang hita-bewang.

We're on our way to SM Manila. We're at the back part of the bus and i can see from where i am sitting na hanggang tuhod na yung baha near Adamson area. I saw this old woman na naglalakad sa baha. Naaawa ako sa kanya kasi ang lakas ng alon ng tubig kapag may dumadaang vehicles. Nagwoworry ako na baka matumba siya and there's nothing i can do kasi nga the bus is moving and i can't alight from the bus kasi medyo tumataas na yung baha. Good thing is si ateng nakasunod kay Lola is tinulungan siya sa paglalakad.

Basang basa na ako and my shoes were basa na rin. I can't afford to walk with my shoes like that kaya bumili sila ng slippers and ako naman ay waterproof shoes(so shall!).

We've decided na manood muna ng movie while waiting for the rain to stop. It was past 7PM nung nagstart yung showing. We watched SANCTUM. 

The movie featured the "mother of all caves". The movie was awesome though. I thought it was something na super horrifying with monsters and mumus on it but i was mistaken. It's about the exploration of the unexplored part of the cave. The explorers were trapped in the cave (like yung sa hole sa Haiti) and they were trying to find ways out to the sea. It's all bout the survival of the fittest. Some of them died and some just requested their fellow explorers to kill them (mercy killing/ euthanasia) kasi they're hopeless na rin na hindi na sila makakalabas ng cave. At the end of the movie, Josh, the best climber sa mga explorers, was able to find a way out to the Solomon sea.

And going back to my #kwentongbaha, we went out of the mall. Nakita namin kung gaano kataas yung baha, it's hanggang hita-bewang lang naman. Nagwoworry ako sa mga kasama ko baka magpanic sila. HAHA. And yun, we've decided na maglakad hanggang Quiapo bridge. Fortunately, may isang jeep na pa Recto kaya sumakay na lang kami. We're tired na rin kasi.

Nung nasa jeep kami, may nakasakay na lasing. Mainit ulo niya as in nakikipag away siya sa kaharap niyang tinawag niyang "Ivan" at kay ate na taga FEU na tinawag niyang "Reklamadora". Litanya pa nga niya, "Kaya hindi umaasenso ang mga Pilipino dahil mga reklamador kayo." Hindi ka po ba Pilipino Manong?

Kasama ko si Clarizza at Kaye na lang. Yung iba nakauwi na and kami hindi pa. Thank you Jollibee for providing us food. Ayun, Thank God, operating pa ang LRT Stations. So sumakay na ako and reached home safely.


MORAL:

  1. Wag gagala kapag bumabagyo.
  2. Wag manonood ng movie na may kinalaman sa trahedya at tubig.
  3. Umiwas sa mga jeep na may sakay na lasing.
  4. Mag shorts kapag bumabagyo.
  5. Magdala ng plastic para hindi na humingi ng extrang plastic bag sa cashier sa SM
  6. Wag tumambay sa fast food chains, mapapagastos.
  7. Huwag kumanta ng California King Bed kapag bumabagyo. (para kay Onad to)
  8. Bawal pa shushal kapag baha.
  9. Kapag sinabing kanselado na ang klase, umuwi na agad.
  10. Iwasang manlibre kapag ganitong panahon, ikaw rin.

-----

As of  3PM today, 3rd Warning na po ang Water Level sa Marikina River.





Photos by: Aaron Joel Bayato


Marikina River as of 3:00pm. Tropical Storm Falcon +LPA. Level 16.6ft

Photo by: @samferriol

2 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...